^

PSN Palaro

Pa-karera ng PDBF sa Bora handa na

- Ni RMP -

MANILA, Philippines - Wala nang makapipigil sa pagdaraos sa Internatio­nal Club Crew Challenge: Boracay Edition ng Philippine Dragon Boat Fede­ration (PDBF) sa kabila ng akusasyon ng Boracay International Paddlers Association (BIPA) na sinasa­botahe ng PDBF ang 6th International Dragon Boat Festival ng BIPA dahil parehong idaraos ang dalawang event sa Abril 26-28.

Sinabi ng BIPA na sinira ng PDBF ang kanilang ti­wala dahil sa pagsasagawa ng karera ng dragon boat sa parehong petsa ng kanilang sariling karera.

Ito, ayon sa BIPA, ay upang makinabang sa event ang PDBF at lituhin ang mga lilipad patungong Boracay upang sumali sa karera.

Pinabulaanan naman ng pangulo ng PDBF na si Marcia Cristobal ang mga alegasyon, at sinabing kumuha ng mga kaila­ngang permit ang PDBF at inaprubahan pa ni John Yap, alklade ng Boracay, Malay, Aklan.

Isasagawa ng PDBF ang karera upang maka­pagbigay ng power source para sa public address system ng Boracay.

Sa nakaraang limang taon, ang PDBF ang kinu­kuha ng BIPA upang ma­ging opisyal ng kanilang event ngunit ngayong taon, ang kinuha nila ay ang Philippine Canoe Kayak Fede­ration (PCKF), ang kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.   

BORACAY

BORACAY EDITION

BORACAY INTERNATIONAL PADDLERS ASSOCIATION

CLUB CREW CHALLENGE

DRAGON BOAT FEDE

DRAGON BOAT FESTIVAL

JOHN YAP

MARCIA CRISTOBAL

PDBF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with