Petecio sasabak sa qualifying
MANILA, Philippines - Tinalo ni Nesthy Petecio si Alice Kate Aparri, 24-12.5 sa kanilang box-off para hirangin bilang kinatawan ng bansa sa qualifying tournament para sa 2012 London Olympic Games.
Kinailangan pa ni Petecio na magbawas ng apat na kilogramo sa loob ng limang araw para umabot sa catchweight na 53 kg.
Lalaban ang 20-anyos na lady fighter sa 51-kilogram division – ang Olympic category – sa 2012 World Women’s Boxing Championship na nakatakda sa Mayo 9-20 sa Qinhuangdao, China.
Sa kabila naman ng kabiguan kay Petecio, makakasama pa rin si Aparri kagaya ni Josie Gabuco sa China para sa non-Olympic weight categories.
"We wanted both of them to show everybody – referee-judges, national coaches, ABAP officials and even the media – to prove their worth for the right to don the national colors in the Olympic qualifier," ani ABAP executive director Ed Picson.
“Maiyak-iyak na ako sa ngalay kanina,” sabi ni Petecio ng Tuban, Sta. Cruz, Davao del Sur.
- Latest
- Trending