Tigresses kaya pa ring manlapa

MANILA, Philippines - Ayaw magbigay ng prediksyon ang coach ng UST na si Odjie Mamon kung kampanya sa Shakey’s V-League Season 9 ang pag-uusapan.

Ang Lady Tigresses ang natatanging 6-time de­fending champion na nakuha sa pamamagitan ng dalawang 3-peat.

Pero nagpahinga sila sa liga sa loob ng dalawang taon at ang ibang mga kasaling koponan ay nag-ibayo lalo na ang mga UAAP teams na kung saan naglalaro rin ang UST.

“I can’t really say how strong we are since five UAAP teams are in the fold, including three of the top five last season. We will just bring our A-game and hopefully the infusion of Mary Jane Balse and Thai Kunbang Pornpimol will boost our chances,” wika ni Mamon.

Si Balse ay dating MVP ng ligang inorganisa ng Sports Vision habang si Pornpimol ay sinasabing kilalang matikas na spiker.

Ang iba pang kasapi ng koponan ay sina Maika Ortiz, Rhea Dimaculangan, Maruja Banaticla, Judy Lastimosa, Ma. Carmela Tunay, Jan Dusaran, Ma. Loren Lantin, Laine de Leon at Jen Amar.

Hindi gaanong nakaka­pag-ensayo ang koponan dahil sa mga renobasyon na ginagawa sa UST gym pero handa nilang bigyan ng magandang laban ang ibang kasali.

Ang Ateneo ang nagde­depensang kampeon sa li­gang may ayuda ng Sha­key’s Pizza at kahit wala ang La Salle, tinuran naman ni Mamon ang NCAA titlist na University of Perpetual Help na isa pang title contender sa ligang ito.

Show comments