Pagbuo sa U18 national team sisimulan na

MANILA, Philippines - Sisimulan bukas ang pagbubuo sa pambansang koponan na ilalaban sa South East Asian Basketball Association (SEABA) U18 qualifying tournament sa Singapore.

Mula Hunyo 24 hanggang 30 itinakda ang na­sabing labanan at ang la­labas na kampeon ang ka­katawan sa rehiyon sa ga­ganaping FIBA-Asia Championship sa Ulaan Bataar, Mongolia mula Agosto 17- 26.

Si Olsen Racela ang hahawak sa koponan at si­yang mangangasiwa sa tryouts na gagawin sa Multi-purpose Arena sa Pa­sig City at tinatayang may 45 basketbolista ang magsisidalo.

Sa plano ay bubuo ng 24 na manlalaro ang coaching staff at ang pa­nga­lan ng nasa talaan ay ipadadala sa FIBA Asia bago ang Mayo 24. Ang huling 12 manla­laro ay pangangalanan bago ang Hunyo 10 para sa SEABA.

Show comments