Pacers iniligwak ang Bucks; Heat umiinit ang laban para sa top seed
INDIANAPOLIS --Tinalo ng Indiana Pacers ang Milwaukee Bucks,118-109, upang angkinin ang homecourt advantage sa first round ng NBA playoffs.
Umiskor si Danny Granger ng 29 points at may 22 naman si George Hill bukod pa sa kanyang 8 assists para sa Pacers, naitala ang kanilang pang pitong sunod na panalo na umabot sa 100 points sa pang 12 na pagkakataon sa loob ng kanilang 13 laro.
Umiskor si Brandon Jennings ng 27 points para sa Bucks, nalasap ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan at tuluyan nang hindi umabot sa Philadelphia para sa No. 8 spot sa Eastern Conference.
Sa Miami, tinalo ng Heat ang Chicago Bulls, 83-72, na nagpainit sa labanan para sa top seed sa NBA Eastern Conference.
Humakot si LeBron James ng 27 points at 11 rebounds, habang may 18 points si Dwyane Wade para sa Miami.
Nalimita ng Heat ang Bulls sa season-low point total at nakalapit sa Chicago ng 1-1/2 laro sa Eastern Conference.
Tumipa si John Lucas ng 16 points para sa Chicago, naglaro nang wala si MVP Derrick Rose dahilan sa injuries.
Kabuuang apat na technicals at dalawang flagrant fouls ang natanggap ng Heat at Bulls kung saan napatalsik sa laro si Miami reserve James Jones.
Sa New Orleans, tinalo ng Hornets ang Houston Rockets sa overtime, 105-99, na nagpalabo sa tsansa ng huli sa playoff.
Gumawa si Eric Gordon ng 27 points at may 20 points si Carl Landry para sa Hornets
- Latest
- Trending