^

PSN Palaro

NLEX isinunod ang Cebuana

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Itinala ni Clifford Hodge ang kanyang ikaapat na sunod na double-double at ang NLEX Road Warriors ay nanatiling walang talo nang kunin ang 76-63 panalo laban sa Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena.

May 20 puntos at 13 rebounds ang 6’6’ na si Hodge at lima ang kanyang ginawa sa 14-6 palitan matapos ang 14-13 iskor na siyang sinandalan ng Road Warriors para tuluyang iwanan na ang Gems.

“Wala ang dalawang key players ko at pisikal ang laro pero ang maganda ay hindi nawala ang focus ng mga players at naipakita nilang mature na sila,” ani Road Warriors coach Boyet Fernandez na may 5-0 karta na.

Si Garvo Lanete ay nag­hatid pa ng 13 puntos habang 30 puntos ang pinagtulungang bunuin nina Dave Marcelo, Jake Pascual, Kirk Long at Chris Ellis upang hindi maramdaman ng koponan ang di paglalaro nina Calvin Abueva at Ian Sangalang na nasa US kasama ang San Sebastian team.

Umupo bilang coach ng Gems si Beaujing Acot bi­lang kahalili ni Luigi Trillo pero hindi niya nakuha ang tamang diskarte at lasapin ng koponan ang ikalawang sunod na kabiguan matapos ang 3-0 panimula.

Sumosyo sa Gems at pa­hingang Big Chill ang RnW Pacipic Pipes nang tu­hugin ang ikatlong sunod na panalo matapos ang 89-75 panalo sa Café France.

Apat na manlalaro sa pangunguna ng 20 puntos ni Raymund Aguilar ang umiskor ng doble-pigura para sa Steel Masters para tuluyang ibaon ang mahinang 0-2 start.

May 18 puntos si Raymond Ilagan para sa Steel Masters na nilimitahan din ang Bakers sa nakakadismayang 25 of 71 shoo­ting upang lasapin ng Café France ang ikaapat na sunod na pagkatalo.

vuukle comment

BEAUJING ACOT

BIG CHILL

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CEBUANA LHUILLIER

CHRIS ELLIS

CLIFFORD HODGE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ROAD WARRIORS

STEEL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with