San Antonio binawian ang Lakers

LOS ANGELES--Nires­ba­kan ng San Antonio Spurs ang Los Angeles La­­kers, 112-91, para patibayin ang kanilang paghawak sa unahan sa Western Con­ference.

Naglista si point guard Tony Parker ng 29 points at 13 assists, habang huma­kot si Tim Duncan ng 19 points at 8 rebounds para sa pang apat na sunod na panalo ng Spurs.

Umiskor ang Spurs ng 18 sunod na basket sa se­cond quarter upang wa­kasan ang four-game winning streak ng Lakers na pa­tuloy na inulila ni Kobe Bryant sa pang anim na su­nod na laro bunga ng kanyang bruised shin injury.

‘’It went just as well for us as it went for them in San Antonio,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popo­vich.

Nagdagdag naman si Manu Ginobili ng 15 points para sa Spurs (44-16) na iniwanan ang Oklahoma City Thunder (44-17) para sa No. 1 playoff seed.

Bago ang panalo, tatlong sunod na kabiguan ang nalasap ng San Antonio sa Los Angeles.

Nagtala ang Spurs ng isang 23-point lead sa third quarter kung saan sila nagposte ng 30-of-43 fieldgoal shooting, habang sinisiw naman ni Parker sina La­kers point guards Ramon Sessions at Steve Blake sa kanyang 14-of-20 clip.

Umiskor si Andrew Bynum ng 21 points para pa­munuan ang Lakers ka­sunod ang tig-16 nina Matt Barnes at Pau Gasol.

Show comments