San Antonio binawian ang Lakers
LOS ANGELES--Niresbakan ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Lakers, 112-91, para patibayin ang kanilang paghawak sa unahan sa Western Conference.
Naglista si point guard Tony Parker ng 29 points at 13 assists, habang humakot si Tim Duncan ng 19 points at 8 rebounds para sa pang apat na sunod na panalo ng Spurs.
Umiskor ang Spurs ng 18 sunod na basket sa second quarter upang wakasan ang four-game winning streak ng Lakers na patuloy na inulila ni Kobe Bryant sa pang anim na sunod na laro bunga ng kanyang bruised shin injury.
‘’It went just as well for us as it went for them in San Antonio,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popovich.
Nagdagdag naman si Manu Ginobili ng 15 points para sa Spurs (44-16) na iniwanan ang Oklahoma City Thunder (44-17) para sa No. 1 playoff seed.
Bago ang panalo, tatlong sunod na kabiguan ang nalasap ng San Antonio sa Los Angeles.
Nagtala ang Spurs ng isang 23-point lead sa third quarter kung saan sila nagposte ng 30-of-43 fieldgoal shooting, habang sinisiw naman ni Parker sina Lakers point guards Ramon Sessions at Steve Blake sa kanyang 14-of-20 clip.
Umiskor si Andrew Bynum ng 21 points para pamunuan ang Lakers kasunod ang tig-16 nina Matt Barnes at Pau Gasol.
- Latest
- Trending