Pagulayan tinalo si Tao, 9-6
MANILA, Philippines - Nagsalpak ng magkasunod na racks si Filipino Alex ‘The Lion’ Pagulayan para talunin si Liu Hai Tao ng China, 9-6, patungo sa pagdomina sa Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face-Off Series noong Sabado ng gabi sa Pagcor Airport Casino sa Parañaque City.
Ang nasabing tagumpay ay nagkakahalaga ng $5,000 para kay Pagulayan, habang nagkasya naman si Liu sa $2,500 sa winner's break format na pinamagatang ‘Philippines versus Asia’.
Ang Team Philippines ay tumabla sa Team Asia sa 4-4.
"The ball rolls in my favor in the end game," sabi ng dating WPA World 9-ball champion na si Pagulayan na kumuha ng 6-3 at 7-6 kalamangan at hindi na nilingon pa si Tao.
Una dito, tinalo ni Taiwanese Chang Yu Long si Filipino Ronato Alcano, 9-7, noong Marso 31 para kunin ng Team Asia ang 4-3 abante kontra sa Team Philippines.
Ang PBB Face Off series ay magpapatuloy sa Abril 21 kung saan makakatapat ni Liu si Dennis ‘Robocop’ Orcollo at haharapin naman ni Fong Pang Chao ng Chinese-Taipei si Lee Van ‘The Slayer’ Corteza sa Abril 28.
- Latest
- Trending