^

PSN Palaro

Ikalawang sunod target ng boracay

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Paiinitin pa ng Boracay Rum ang pagbangon mula sa mababang puwesto sa pag-asinta sa ikalawang pa­­nalo laban sa bagitong Ca­gayan Rising Suns sa pag­papatuloy ngayon ng 2012 PBA D-League Foun­dation Cup sa Trinity Uni­versity of Asia gym.

Ang laro ay mapapano­od sa ganap na alas-12 ng tanghali at pilit na sasak­yan ng Waves ang 64-60 pa­­nalo laban sa Junior Po­­werade na tumapos sa tat­long dikit na kabiguan.

“Struggling kami dahil hin­di pa consistent ang mga players namin. Sana ang panalong kinuha namin ay magpapataas sa con­fidence ng mga pla­yers,” wika ni coach Law­ren­ce Chongson.

Hindi pa rin nakakatikim ng panalo ang Suns ma­tapos ang apat na laro at ito ang magsisilbing inspirasyon sa magaganap na tunggalian.

Sisikapin naman ng Tigers na makabangon agad sa tinamong kabiguan sa pag­sukat sa Erase Plantcenta sa tampok na laro sa alas-2.

Nananalig si coach Ric­ky Dandan na lalabas uli ang tibay ng laro mula sa mga inaasahan para mai­su­long ang 2-2 karta.

Apat na koponan ang ma­aalis matapos ang eli­mi­nation at ka­ilangang ma­nalo ang Tigers upang makapasok sa su­sunod na round.

vuukle comment

APAT

BORACAY RUM

CHONGSON

D-LEAGUE FOUN

DANDAN

ERASE PLANTCENTA

JUNIOR PO

RISING SUNS

SHY

TRINITY UNI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with