^

PSN Palaro

PBA kinuha ang serbisyo ng ex-Olympian

-

MANILA, Philippines - Isang dating Olympic gold medalist at world champion mula sa Indonesia ang magsisimulang gumabay sa Philippine badminton team.

Kinuha nina Philippine Badminton Association (PBA) Vice-President Jojo Binay at chairman Manny V. Pangilinan ang 44-anyos na si Rexy Mainaky bilang national head coach.

Si Mainaky ay bahagi ng koponan ng Indonesia na kumuha sa doubles gold medal sa 1996 Atlan­ta Olympics at sa 1995 World Championships sa Lausanne.

Siya ay tatanggap ng su­weldong $12,000 (halos P500,000) kada buwan mula sa PBA.

Bukod pa sa kanyang monthly salary, pag-aaralin din ang dalawang anak ni Mainaky sa isang British school sa Maynila at maninirahan sa isang P100,000-a-month condominium unit.

Hindi kasama ang badminton sa priority list ng Philippine Sports Commission matapos mabigong makapag-uwi ng medalya mula sa mga sinalihang international competitions.

Nagbabayad ang PSC sa mga foreign coaches ng halos $2,500 a month.

Sina Kennevic at Kennie Asuncion at Weena Lim, nakapaglaro sa 2000 Sydney Olympics, ang dating nagbibigay ng medalya sa bansa mula sa Southeast Asian Games.

KENNIE ASUNCION

MANNY V

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REXY MAINAKY

SI MAINAKY

SINA KENNEVIC

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SYDNEY OLYMPICS

VICE-PRESIDENT JOJO BINAY

WEENA LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with