^

PSN Palaro

Perpetual, Ateneo babandera sa mga kalahok sa V-League

- Ni RMPangilinan -

MANILA, Philippines - CAA champion Perpetual Help University at UAAP runner up Ateneo ang walo pang koponan para sa Shakey’s V-League First Conference sa Abril 24 sa San Juan Arena.

Ang 10 koponan, kasama ang dalawa mula sa Vi­sayas, ay hinati sa dalawang grupo.

Nasa Group A ang Per­petual kasama ang Ateneo, Far Eastern University, National University at Southwestern University ng Cebu City.

Babanderahan naman ng nagbabalik na University of Santo Tomas ang Group B kalaban ang San Sebastian, Adamson at St. La Salle ng Bacolod City.

Hindi naman nakum­binsi nina tournament director Moying Martelino at Sports Vision president Ricky Palou ang UAAP champions na La Salle Lady Archers na lumahok.

Ang apat na mangu­ngu­­nang koponan ang pa­­­pasok sa quarterfinal round na magdedetermina sa pupuwesto sa Final Four para sa maglalaban sa best-of-three championship series.

“We expect the games this year to be closer and more thrilling. Mas maganda. This is because All teams, both from Metro Manila and the Visayas are coming fresh from surviving their respective leagues,” sabi ni Palou.

Bukod sa 14 players, ang bawat koponan ay pinapayagang humugot ng dalawang guest players, isang foreigner at isang local talent.

ATENEO

BACOLOD CITY

CEBU CITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GROUP B

LA SALLE LADY ARCHERS

METRO MANILA AND THE VISAYAS

MOYING MARTELINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with