YKK Kid's Football Clinic
MANILA, Philippines - Tatlong Real Madrid coaches ang magtuturo ng mga football fundamentals sa mga local coaches at mga batang mahihirap sa pagdadala sa bansa ng YKK ng “Just For Kicks” football clinic na sinimulan kahapon at magtatapos bukas sa Ayala Alabang Country Club sa Alabang, Muntinlupa.
Sina coaches Jaime Torcal Cano, Ivan Garcia Sacristan at Pablo Gomez Revenga ng popular na football team na Real Madrid ang nagsagawa ng coaching clinic kahapon sa hanay ng mga 250 bata na may edad na 7 hanggang 15-anyos.
Bukod sa tatlong coaches, dumalo din sa press conference sa Makati Shangri-La sina Francis Laurel, ang presidente ng at CEO ng YKK Philippines, Inc. at Philippine Football Federation (PFF) chief Mariano “Nonong” Araneta.
“This is a big boost for the sport because our local coaches as well as our football-playing kids will get the chance to train under top caliber coaches from Europe,” sabi ni Araneta.
Unang idinaos ang YKK “Just For Kicks” sa Singapore at dinala sa Indonesia, Bangladesh, Vietnam, India, Thailand ad Sri Lanka.
Matapos ang Pilipinas, ilulunsad ang YKK Kid’s Football Clinic sa Cambodia.
- Latest
- Trending