MANILA, Philippines - Naniniwala si Juan Manuel Marquez na kayang talunin ni Timothy Bradley, Jr. si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa kanilang suntukan sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ayon sa 38-anyos na world lightweight titlist, hindi kakayanin ng 33-anyos na si Pacquiao ang bilis at lakas ng 28-anyos na si Bradley.
“You know, Bradley is a very difficult fight for Manny Pacquiao,” sabi ni Marquez kay Bradley, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) light welterweight king. “Very difficult. Bradley is a very fast fighter. He’s a good boxer who can take a punch.”
Sakaling matalo si Pacquiao, itataya ang kanyang suot na WBO welterweight crown kontra kay Bradley, maaaring hindi na mangyari pa ang kanilang pang apat na laban ni Marquez.
“If Pacquiao loses that, and he could, it would take a lot of the interest off a bout with me and him,” wika ni Marquez, tinalo ni Pacquiao via majority decision noong Nobyembre 12, 2011 para sa kanilang pangatlong pagtatagpo.
Nakatakdang labanan ni Marquez si Ukrainian veteran Sergey Fedchenko sa isang super lightweight bout sa Mexico City bukas.
Kung mananalo si Marquez kay Fedchenco at magiging matagumpay ang pagdedepensa ni Marquez kontra kay Bradley, maaari pang maitakda ang Pacquiao-Marquez IV sa Nobyembre.
“I just worry about myself and what I do,” sabi ni Marquez. “If I do what I’m supposed to do, everything else will work out as best as it can.”