Big Chill, Blackwater pukpukan para sa solo 2nd

MANILA, Philippines - Magpapasolido ang Big Chill at Blackwater sa pagkapit sa ikalawang puwesto sa idaraos na PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Ang magwawagi sa tam­pok na laro dakong alas-2 ng hapon ang siyang makakahawak sa solo liderato kaya’t tiyak na pukpukan ang magaganap na sagupaan.

Parehong may 3-1 karta sa ngayon ang Super Chargers at Elite pero ang una ay may 3-game winning streak sapul nang kinuha bilang head coach ang champion coach na si Robert Sison.

Pumasok si Sison matapos lasapin ng koponan ang 70-80 pagkatalo sa NLEX sa pagdiskarte pa ni dating mentor Arsenio Dysangco, at tila may mahikang dala ang bagong coach dahil ibang laro ang nakikita sa Super Chargers.

Pihadong palaban din ang Elite na sariwa sa 67-56 tagumpay sa Boracay Rum sa huling laro.

Samantala, bumangon mula sa 52-68 pagkatalo sa kamay ng Super Chargers ang asam ng Cebuana Lhuillier sa pagharap nila sa wala pang panalong Cagayan Rising Suns sa alas-12 ng tanghali.

Nahihirapan si coach Luigi Trillo sa pagdiskarte dala ng mga injuries sa mga key players na sina Kevin Alas, Yousef Taha at Lester Alvarez.

Show comments