^

PSN Palaro

Azkals tumaas ang world ranking

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Dahil sa magandang ipi­nakita sa AFC Challenge Cup na kung saan ang Azkals ay tumapos sa ikatlong puwesto, ang Pilipinas ngayon ay nasa ika-148th sa world ranking na siyang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Hinigitan nito ng isang puwesto ang dating pinakamagandang 149th puwesto noong 2010 at nangyari ito matapos umani ng 182 puntos ang pambansang ko­ponan matapos ang AFC Challenge Cup sa Nepal noong nakaraang buwan.

Mismong ang international football federation na FiFA ay kinilala ang ma­gandang nagagawa ng Pilipinas sa larong itinalaga bilang number one sa mundo.

 Umabot sa 24 na laro ang sinuri ng FiFA na nangyari sa buwan ng Abril at kasama rito ang tagisan sa AFC Challenge Cup na kung saan ang Pilipinas ay nagtala ng tatlong panalo kasama ang 4-3 tagumpay sa Palestine para itala ang makasaysayang ikatlong puwestong pagtatapos.

 Dahil dito, umangat ang Pilipinas ng walong baytang sa rankings mula sa dating kinalulugarang 156th puwesto.

Ang nagkampeon na North Korea at puma­ngalawang Turkmenistan nasa ika-86th ngayon ay umangat ng 25 puwesto habang ang Turkmenistan ay nasa 142nd place o 24 puwestong mas mataas bago ang AFC Cup.

ABRIL

AZKALS

CHALLENGE CUP

DAHIL

HINIGITAN

MISMONG

NORTH KOREA

PILIPINAS

TURKMENISTAN

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with