MANILA, Philippines - Bigo ang mga national wrestlers na sina Margarito Angana at Jason Balabal sa ginawang kampanya para makapasok sa London Games sa idinaos na unang yugto ng Asian Olympic Qualifying Tournament sa Astana Kazakhstan kamakailan.
Si Angana na isang two-time SEA Games gold medalist ay hindi umubra kay Kudaibergenov Askhat habang si Balabal ay natalo rin kay Assakalov Rustam ng Uzbekistan para agad na mamaalam matapos lamang ang unang laban.
Hindi man pinalad ay may pagkakataon pang masama ang Pilipinas sa Olympics sa nasabing sport dahil ang kahuli-hulihang qualifying event ay gagawin sa Abril 25 hanggang 30 sa Taiyuan, China.
Ang dalawang wrestlers, kasama si Alvin Lobreguito at coach Roel Pacional ay lumipad na sa Beijing upang magsagawa ng 21-day training para sa huling qualifier.
Nananalig ang pamu-nuan ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) na mas may ipakiki-tang laban ang mga pambato ng bansa dahil ang mga matitikas ay umusad na sa London Games.