10 teams babandera sa Shakey's V-League

MANILA, Philippines - Sampung koponan ka­sama ang nagbabalik na UST ang maglalaban-laban sa gaganaping 9th season ng Shakey’s V-League na magsisimula na sa Abril 24 sa San Juan City.

Bukod sa Lady Tigres­ses na may anim na titulo bago nagpahinga sa hu­ling dalawang taon, sasali uli ang nagdedepensang Ateneo, mga dating kampeon Adamson at San Sebastian at FEU, Letran, Perpetual Help, National University, La Salle Baco­lod at Southwestern University.

Ang huling dalawang koponan ay mula Visayas upang patuloy na magkakaroon ng kinatawan ang mga provincial schools.

“This is going to be a wide-open race. All team have what it takes to win. The return of UST makes it double interesting,” wika ni Ricky Palou na pangulo ng Sports Vision na siyang nag-organisa ng V-League.

Babalik si Thai import Kesinee Lithawat para makipagtulungan sa local netters sa hangaring mapanatiling hawak ng Lady Eagles ang kampeonato.

Show comments