10 teams babandera sa Shakey's V-League
MANILA, Philippines - Sampung koponan kasama ang nagbabalik na UST ang maglalaban-laban sa gaganaping 9th season ng Shakey’s V-League na magsisimula na sa Abril 24 sa San Juan City.
Bukod sa Lady Tigresses na may anim na titulo bago nagpahinga sa huling dalawang taon, sasali uli ang nagdedepensang Ateneo, mga dating kampeon Adamson at San Sebastian at FEU, Letran, Perpetual Help, National University, La Salle Bacolod at Southwestern University.
Ang huling dalawang koponan ay mula Visayas upang patuloy na magkakaroon ng kinatawan ang mga provincial schools.
“This is going to be a wide-open race. All team have what it takes to win. The return of UST makes it double interesting,” wika ni Ricky Palou na pangulo ng Sports Vision na siyang nag-organisa ng V-League.
Babalik si Thai import Kesinee Lithawat para makipagtulungan sa local netters sa hangaring mapanatiling hawak ng Lady Eagles ang kampeonato.
- Latest
- Trending