^

PSN Palaro

Goodbye Olympics kay Ladon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bumigay si bantamweight Joegin Ladon sa huling round sa laban nila ni Zhang Jiawei ng China upang lasapin ang 8-13 kabiguan sa bantamweight bout sa idi­nadaos na Asian Olympic Qualifying Championships sa Astana, Kazakhstan.

Mas naging agresibo si Zhang, ang silver medalist sa Guangzhou Asian Games, kontra sa 31-anyos na si Ladon sa ikatlo at huling round para kunin ang 6-2 iskor at mabalewala ang naunang dikitang labanan.

Nagtabla ang dalawang boksingero sa unang round sa 4-4, at bahagyang nakauna si Zhang sa second round sa, 3-2, para sa kabuuang 7-6 iskor.

Pero lumamya ang laban ni Ladon upang masama siya sa hanay nina Rey Saludar, Dennis Galvan at Wilfredo Lopez na namahinga na sa torneong magdede-termina kung sino ang huling mga Asian boxers na ma-ka­­kapaglaro sa London Olympics.

Si Charly Suarez na lamang ang pag-asa ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) para madagdagan ang natatanging entrada ng bansa sa Olympics sa pagsalang niya kontra kay Abdlay Anarbai Uulu ng Kyrgyzstan sa second round ng lightweight division.

ABDLAY ANARBAI UULU

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING CHAMPIONSHIPS

DENNIS GALVAN

GUANGZHOU ASIAN GAMES

JOEGIN LADON

LADON

LONDON OLYMPICS

REY SALUDAR

SI CHARLY SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with