^

PSN Palaro

Beermen nakaisa rin sa Dragons

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagpakita ng eksplosibong laro ang mga imports ng San Miguel Beermen at nagawa rin ng koponang talunin ang Westports Malaysia Dragons sa pamamagitan ng 92-76 panalo sa 3rd AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) kahapon sa MABA Gym sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May 29 puntos mula sa 11 of 16 shooting si Duke Crews habang ang 6’11 na si Nick Fazekas ay naghatid pa ng 26 puntos bukod sa 14 rebounds at ang Beermen ay lumayo sa second half para kunin ang unang tagumpay sa tatlong tagisan nila ng Dragons.

Humugot pa ng 15 pun­tos kay Leo Avenido, ang Beermen ngayon ay mayroong 12-4 karta at manga­ngailangan na lamang na manalo ng isa pa para ma­kapasok sa semifinals.

Ito ang ikalawang laro ni Crews matapos ang 11 puntos at rebounds nang kunin ng Beermen ang 71-69 panalo sa Indonesia Warriors at siya ang nagpaningas sa naglalagablab na opensa na nakita sa koponan sa ikatlong yugto upang ang 42-35 kalama­ngan sa halftime ay lumobo sa 70-54 papasok sa huling yugto.

Si Tiras Wade ay nagbalik mula sa injury list at tumapos taglay ang 28 puntos pero wala siyang nakatulong nang rumatsada ang Beermen sa third period para lasapin ng Dragons ang ikaanim na sunod na pagkatalo at 7-8 baraha.

vuukle comment

BEERMEN

DUKE CREWS

HUMUGOT

INDONESIA WARRIORS

KUALA LUMPUR

LEO AVENIDO

MIGUEL BEERMEN

NICK FAZEKAS

SI TIRAS WADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with