Problema sa BIR hindi makakaapekto sa pagsasanay ni Manny Pacquiao - Ariza
MANILA, Philippines - Naniniwala si Alex Ariza, ang strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao, na hindi makakaapekto sa pagsasanay ng Filipino eight-division champion ang isyu sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sinabi ni Ariza na sanay na si Pacquiao sa mga problema sa tuwing sisimulan ang kanyang training camp.
"Manny is used to distractions and stuff like that," wika ni Ariza matapos ang isang gym session nila ni dating WBA/IBF light welterweight titlist Amir Khan.
Sinampahan ng BIR ng kasong contempt ang Sarangani Congressman dahil sa kabiguan nitong makapagsumite ng dokumento ukol sa kanyang kinita sa dalawang taon.
"Once he submits, we will withdraw the case. Based on the documents, we will evaluate if he paid the correct taxes," sabi ni BIR Commissioner Kim Henares kay Pacquiao, nagbayad ng buwis na P9,190,691 noong 2010 para maging pang 135th top individual taxpayer.
Si Pacquiao ang hinirang na No. 1 sa listahan ng Top 500 Individual Taxpayers makaraang magbayad ng P125 milyon bilang buwis noong 2008 bago ito bumaba sa P7.41 milyon noong 2009.
"(Pacquiao) is just tying up some loose ends, he wants to get everything out of the way as far as whatever is going on here in the Philippines business-wise," sabi ni Ariza. "He doesn't want to be bouncing back and forth. As soon as he gets that settled, he's going to get right into it. We still got a lot of time."
"He's got his newfound faith and the way he's approached religion, he's left a lot of the other stuff behind. I always think that's a good thing. Hopefully that will give him more time with me and we can get back to working on some of the old workouts we used to do," dagdag pa ni Ariza hinggil sa pagiging relihiyoso ni ‘Pacman’.
- Latest
- Trending