^

PSN Palaro

Puro Satsat

PRESS ROW - Abac Cordero -

Palaban kung magsalita itong si Timothy Bradley na paulit-ulit nang nagsabi na pagdating sa June 9 ay makakatikim si Manny Pacquiao ng isang masakit na pagkatalo.

Sana nga lang ay kaya niyang ilagay sa aksyon ang kanyang mga salita ‘di gaya ng ilang mga dating kalaban ni Pacquiao.

Alalang-alala ko pa si Joshua Clottey na ubod ng galing at ubod ng tapang papalapit sa kanyang laban kay Pacquiao nung 2010.

Mahigit 50,000 fans ang dumagsa sa Cowboys Stadium para panoorin ang laban. Naniwala ang karamihan sa kanila na may ibubuga nga si Clottey.

Pero nagkamali sila dahil hindi naman pala palaban ang itim na boksingero sa loob ng ring. Para siyang pagong na nagtago sa kanyang bao.

Puro depensa ang ginawa at halatang ang layunin lang niya ay huwag ma-knockout. Halos hindi sumuntok at palaging nakatakip ang gloves sa mukha.

Halos mapagod si Pacquiao kakasuntok sa kata­wan ni Clottey na nagmistulang isang punching bag. Natapos ang laban sa isang unanimous decision.

Disappointed ang tao.

Ganito din ang nangyari sa laban ni Pacquiao kay Shane Mosley last year sa Las Vegas na kung saan umiwas din ang Amerikano sa mga suntok ng ating kampeon.

Gaya ni Clottey, nag­sabi din si Mosley papalapit sa laban na hinding-hindi siya uurong sa loob ng ring. Puro satsat lang pala.

Huwag sanang mang­yari ito sa June 9. At sana ay panindigan ni Bradley ang kanyang mga binibitiwang salita.

Sinabi niya nung isang araw na ang kama­yan nila ni Pacquiao ay mangyayari lang bago magsimula ang laban at pagkatapos nito.

Sa madaling sabi, bakbakang umaatikabo ang makikita ng fans.

Tingnan natin.

ALALANG

AMERIKANO

CLOTTEY

COWBOYS STADIUM

JOSHUA CLOTTEY

LAS VEGAS

PACQUIAO

PURO

SHANE MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with