Foye ibinigay sa Clippers ang 6 dikit na panalo

DALLAS - Hindi napi­gi­lan ang produksyon ni Randy Foye para sa Los Angeles Clippers at walang nagawa ang Dallas Mave­ricks para patahimikin siya.

Nagposte si Foye ng ca­reer-high na walong 3-pointers at tumapos na may 28 points para sa Clippers na nakuha ang ka­nilang unang six-game winning streak matapos ang dalawang dekada sa pamamagitan ng 94-75 paggiba sa Mavericks.

“I was waiting for somebody to knock (Foye) down, do something. We just didn’t do it, and really that’s on me,” wika ni Mave­ricks coach Rick Carlisle. Matapos ang tip in ni Brandan Wright para sa 8-0 run ng Dallas na naglapit sa kanila sa 62-76 agwat sa 7 1/2 minuto sa fourth quarter, dalawang magkasunod na 3-pointer ni Foye ang muling naglayo sa Los Angeles.

“I was just trying to be aggressive,” wika ni Foye, tumipa ng 8-of-15 shooting sa 3-point range.

Humakot naman si Blake Griffin ng 15 points at 16 rebounds para sa kanyang pang 33rd double-double game para sa Clippers.

Nagdagdag si Caron Buttler, bahagi ng cham­pionship team ng Mave­ricks noong nakaraang sea­son, ng 13 points para sa Clippers na 10 magkakasunod na beses natalo sa Dallas sapul noong 2006, habang may 10 points si Nick Young at naglista si Chris Paul ng 8 points at 10 assists.

Pinangunahan naman ni Dirk Nowitzki ang Mave­ricks sa kanyang 19 points kasunod ang 15 ni Terry.

Show comments