Loyzaga nag-resign sa PSC

MANILA, Philippines - Dahil sa pagmamahal sa kanyang ama ay nagde­sisyon na si Joaquin “Chito” Loyzaga na lisanin ang Philippine Sports Commission (PSC).

Nagpadala na ng liham ng irrevocable resignation si Loyzaga kay Pangulong Benigno Aquino III noong Marso 30 upang ipaalam ang pagbibitiw bilang commissioner ng PSC na magkakabisa sa Abril 30.

Ninais ni Loyzaga na personal na iabot ang liham kay Pangulong Aquino ngunit hindi na nagawa dahil tumulak na siya patungong Australia para ala­gaan ang may sakit na amang si Carlos Loyzaga.

Si Loyzaga na kasapi ng pambansang koponan na umani ng bronze medal sa 1954 FIBA World Basketball Championship sa Rio de Janeiro, Brazil ay dumanas ng major stroke noong Hunyo at hindi pa nakakabangon sa banig ng karamdaman.

“The decision to leave PSC was truly a difficult one for me. I have always been the closest to my father. He is 82 years old now and I believe it is my duty to help attend to his needs,” wika ni Loyzaga sa kanyang liham.

Nalungkot ang mga ka­samahan ni Loyzaga sa PSC pero wala silang magawa kundi ang tanggapin ang kanyang desis­yon.

“Napag-usapan na namin iyan at iminungkahi na mag-leave na lamang siya. Pero nahihiya si Chito na malulugi sa kanya ang gobyerno dahil walang linaw kung hanggang kailan siya mawawala kaya minabuti na lamang niyang magbitiw,” wika ni Commissioner Jolly Gomez na katuwang si Lozyaga na pinatakbo ang mga grassroots programs ng Komisyon tulad ng Philippine National Games at Batang Pinoy.

“I admire Commissioner Chito to think of his dad first over PSC. He did a good job as a commissioner and it will be hard to replace him,” wika naman ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Kasabay ng pagbibitiw ay umaasa siyang dara­ting din ang panahon na makikita niya ang katuparan sa naunang binalak ng PSC na mag-prayoridad ng 10 sports na maaaring makapagbigay ng kara­ngalan sa Pilipinas sa mga larong Asian Games at Olympics.

“Given limited financial resources, the PSC’s prio­ritization policy will ensure sustainability and stabi­lity of our national sports de­­velopment program. Prioritization, while not po­pular, is the critical path to­­wards national sports development,” pahayag pa ni Loyzaga na naupo sa Komisyon kasama ng ibang opisyales noong Hul­yo, 2010.

Show comments