Sharks, Tigers nagparamdam agad

MANILA, Philippines - Nagpasiklab ang mga bagitong sina Alvin Pe­ralta at Jayson Dimacutac upang tulungan ang three-time defending champion Manila Sharks sa 8-2 pa­ngingibabaw sa Forward Taguig Patriots sa pagbubukas kahapon ng Season 9 Baseball Philippines sa Rizal Memorial Diamond.

Si Peralta ay kumunekta ng dalawang beses sa apat na pagpalo at may 2 RBIs at isang run para tu­lungan ang Sharks na magkaroon ng 11 hits.

Ang pitcher mula Adam­­son na si Dimacutac ay na­kasama naman nina Warren Vispo, Tawi delos Reyes at Roy Baclay sa pag­limita sa Patriots sa anim na hits lamang sa kabuuan ng siyam na innings na tunggalian.

Nauna rito ay ang pagpapasikat ng Alabang Tigers nang kunin ang 13-12 panalo sa Batangas Bulls sa larong umabot sa dalawang extension.

Si Matt Laurel ang bumanat ng winning single para mapapasok si Adrian Bernardo sa top of the 11th inning.

Niretiro naman ni Bernardo, ang closer ng team, ang tatlo sa apat na batters na hinarap upang makumpleto ang pagbangon ng Tigers mula sa 0-8 iskor sa first inning.

Show comments