^

PSN Palaro

Beermen naka-3 sa Warriors

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nakitaan ng tibay ng dibdib ang San Miguel Beermen nang maisan­tabi ang pagkawala ng 14 puntos na kalamangan sa kaagahan ng huling yugto tungo sa 71-69 panalo sa palaban pero naubos na Indonesia Warriors sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) kahapon sa The Mahaka Square sa Indonesia.

Nagbuhos ng 10 puntos sa second half si Leo Avenido kasama ang jumper may 16 segundo upang ibigay uli sa bisitang koponan ang kalamangan matapos itabla ni Rony Gunawan ang iskor sa 69-all sa isang tres.

Hindi naman nakabawi pa ang home team dahil sinupalpal ni Junmar Fajar­do si Mario Wuysang habang nag-sisablay sa mga follow-ups sina Gunawan at Steve Thomas para ibigay sa Beermen ang 3-0 karta sa kanilang head to head at ika-11th panalo sa 14 laban.

Inakala ng mga panatiko ng Warriors na mana­nalo ang koponan nang bumangon mula sa 51-65 pagkakalubog may 7:54 sa orasan pero kinapos dala na rin ng kawalan ng suwerte sa huling tatlong tangka sa basket.

 May 16 puntos sa 7 of 15 shooting si Avenido upang suportahan ang 20 puntos ni Jarrid Famous.

Ang baguhang si Duke Crews ay naghatid ng 11 puntos, 11 rebounds, 4 assists at 2 blocks habang ang 6’10” na si Fajardo ay nagbigay ng 7 puntos, 6 rebounds, 2 blocks at tig-isang steal at assist sa 18 minutong paglalaro.

Ibinandera ni Thomas ang Warriors sa kanyang 19 puntos at 17 rebounds habang si Larry Smith ay naghatid ng 14 puntos at 17 rebounds ngunit hindi sapat ang ipinakita sa endgame ng koponan para magwakas ang 3-game winning streak at malaglag sa 7-8 kabuuang baraha.

BASKETBALL LEAGUE

DUKE CREWS

INDONESIA WARRIORS

JARRID FAMOUS

JUNMAR FAJAR

LARRY SMITH

LEO AVENIDO

MAHAKA SQUARE

MARIO WUYSANG

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with