Wade, Bosh nagtulong sa tagumpay ng Heat
TORONTO--Determinado si Dwyane Wade na maglaro nang maganda para sa isang miyembro ng kanyang pamilya.
Umiskor sina Wade at Chris Bosh ng tig-30 points para igiya ang Miami Heat sa 113-101 paggupo sa Toronto para sa kanilang pang pitong sunod na panalo kontra sa Raptors.
Inialay ni Wade ang kanyang tagumpay sa kanyang pamangkin, isa sa 13 na nabaril sa isang six-hour stretch sa Chicago noong Huwebes.
“I played for him and with him in mind,” wika ni Wade. “I was 9 years old when he was born, I was an uncle at 9 years old. A lot of thoughts go through your mind.
Ang pamangkin ni Wade ay isa sa anim na nabaril sa labas ng South Side convenience store noong Huwebes ng gabi.
Nalaman ng eight-time NBA All-Star ang insidente matapos ang kanilang tagumpay laban sa Dallas.
Kamakailan ay kinondena naman ni Wade at ng ilang Heat players ang pagkakabaril at pagkakapatay sa binatang si Trayvon Martin.
Nag-ambag si LeBron James ng 26 points at 9 assists at may 14 points si Mario Chalmers para sa Heat na nagmula sa panalo kontra sa Mavericks.
Humugot si Wade ng 13 points sa final quarter, habang may 12 si Bosh laban sa kanyang dating koponan na Toronto.
Umiskor si DeMar DeRozan ng 28 points kasunod ang 27 ni Andrea Bargnani para sa Raptors.
- Latest
- Trending