Thunder tinarakan ang Lakers
LOS ANGELES--Sa likod ng pinagsamang 57 points nina Russell Westbrook at Kevin Durant, tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Lakers, 102-93.
Tumipa si Westbrook ng 36 points, habang may 21 naman si Durant para sa pang limang sunod na panalo ng Thunder.
“The game got out of whack. It was my job to pick it up,” sabi ni Westbrook.
Humugot naman si Kendrick Perkins ng 10 sa kanyang 12 points sa third period para sa Oklahoma City.
Humakot naman si Andrew Bynum ng 25 points at 13 rebounds at may 23 markers si Kobe Bryant para sa Lakers, may 0-2 record laban sa Thunder ngayong season kasama ang isang 15-point road loss noong nakaraang buwan.
Lumayo ang Oklahoma City sa fourth quarter mula sa kanilang 10-0 run na nagbigay sa kanila ng 88-70 abante bago sumagot ang Los Angeles sa kanilang 14-4 run para makadikit sa 89-96 agwat.
Sa Indianapolis, kumana si Danny Granger ng 25 puntos upang banderahan ang host team sa 93-89 panalo laban sa Washington Wizards.
Sa Portland, naglista si La Marcus Aldridge ng 25 puntos at 12 rebounds at kumawala ang Trail Blazers tungo sa 99-93 panalo laban sa New Orleans Hornets.
- Latest
- Trending