^

PSN Palaro

Ginebra inilaglag ang B-Meg

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa isang playoff game, ipinakita ni Mac Cardona kay rookie Fil-Am Marcio Lassiter kung ano ang kaka­ya­han niya.

Kumolekta si Cardona ng 24 points, 7 rebounds at 5 assists para banderahan ang Meralco sa 102-98 pananaig laban sa Powerade at angkinin ang ikaapat at huling quarterfinals berth sa 2012 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Na-challenge ako kay Lassiter kasi magaling siyang player,” wika ni Cardona, humugot ng tig-9 points sa third at fourth quarter para sa Bolts.

Kinuha ng Meralco ang 29-20 abante sa first period hanggang makatabla ang Powerade sa 45-45 sa pagsilip ng third quarter.

Matapos ang pagba­ngon ng Tigers, isang 16-4 bomba ang inihulog ng Bolts sa likod nina Cardona, six-year NBA Veteran Earl Barron, Asi Taulava at Mark Macapagal upang iposte ang isang 12-point lead, 61-49, sa 7:55 ng nasabing yugto patungo sa kanilang 65-52 paglayo.

Huling nakadikit ang Powerade sa 98-100 agwat buhat sa isang three-point shot ni Lassiter sa natitirang 12.2 segundo kasunod ang dalawang freethrows ni Barron para sa 102-98 bentahe ng Meralco sa huling 7.8 segundo.

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang B-Meg at Barangay Ginebra kung saan nila pinag-aagawan ang ikalawa at huling outright semifinals berth habang isinusulat ito at ang matatalo ang mahuhulog sa No. 3 sa quarterfinals at makakaharap ng No. 6 Meralco.

“Parehong mabigat na kalaban ang B-Meg at ang Ginebra. Pero ready kami kung sino ang makalaban namin sa kanila sa quarters,” sabi ni Cardona sa Llamados at Gin Kings.

Ang No. 1 at nagdedepensang Talk ‘N Text ang sumikwat sa unang outright semis ticket matapos talunin ang sibak nang Petron Blaze, 107-80, noong nakaraang Miyerkules.

Meralco 102 - Barron 33, Cardona 24, Taulava 16, Ross 12, Mercado 9, Hugnatan 4, Borboran 2, Macapagal 2, Timberlake 0.

Powerade 98 - Jones 20, Lassiter 20, David 20, Casio 14, Anthony 13, Kramer 5, Lingganay 4, Calimag 2, Vanlandingham 0, Allera 0, Cruz 0.

Quarterscores: 23-16, 45-43, 75-66, 102-98 .

ANG NO

ASI TAULAVA

B-MEG

BARANGAY GINEBRA

BARRON

CUNETA ASTRODOME

FIL-AM MARCIO LASSITER

LASSITER

MERALCO

POWERADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with