Banchero makakalaro na sa Beermen sa ABL

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang bu­wang paghihintay ay ma­kakalaro na rin ang mahusay na Fil-American point guard na si Chris Ban­chero sa San Miguel Beermen sa ASEAN Basketball League.

Ang 6’0 guard na na­ka­sama ng Beermen na pinagharian ang ABL pre-season tournament sa Bangkok, Thailand ay binigyan na ng go-signal ng regional basketball league para makapaglaro na.

“It’s official! Chris Banchero has been allowed by the ABL to finally suit it up for the San Miguel Beermen starting Apr. 14. Welcome home Chris!” wika ni SMB sports consultant Noli Eala sa kanyang official twitter.

Hindi agad nakapag­laro si Banchero, na ikinon­si­dera rin sa Smart Gilas, dahil may ipinaiiral na requirements ang ABL sa mga bagong pasok na man­lalaro.

Lalong lalalim ang pu­wersa ng Beermen sa guard spot dahil naririyan na rin ang PBA veteran na si Roger Yap bukod pa kina Aries Dimaunahan at Froilan Baguion.

“He can help but its still a team game,” dagdag ni Eala.

Bago ang pangyaya­ring ito ay nagdesisyon na ang Beermen na palitan ang import na si Dalron Johnson ni Willard Vincent Duke Crews Jr. para mas pagtibayin ang inside sco­ring ng koponan.

Show comments