Bryant inilusot ang Lakers vs Warriors
OAKLAND, Calif. - Kinuha ni Kobe Bryant ang bola para sa kanyang fadeaway shot na ginawa niya ng dalawang beses.
Nagsalpak si Bryant ng dalawang mahalagang jumpers sa huling 64 segundo para tumapos na may 30 points at pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 104-101 panalo kontra sa Golden State Warriors.
Bago ito, naimintis muna ni Bryant ang kanyang dalawang tira sa final quarter bago kumonekta ng dalawang fall-away jumpers laban sa kanyang mga bantay. Ang ikalawa niyang puntos ay sa huling 32 segundo na tumiyak sa panalo ng Lakers laban sa Warriors.
“That’s what guy like Kobe can do,” sabi ni Lakers coach Mike Brown kay Bryant.
Umupo si Bryant sa unang 5:21 ng fourth quarter para sa Lakers kung saan nakalapit ang Warriors sa 90-91 mula sa pagbibida ni Brandon Rush.
Tuluyan nang naagaw ng Warriors ang unahan sa 97-95 galing sa hook shot ni David Lee kasunod ang pagkamada ni Bryant upang ibigay sa Lakers ang tagumpay.
- Latest
- Trending