MANILA, Philippines - Matapos si Marcus Douthit, si Javale McGee naman ang tutulungan ni Cong. Robbie Puno ng Antipolo District II na makakuha ng naturalization papers sa Kongreso.
Sinusuportahan ni Puno ang national program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kaya gusto rin nitong matulungan sa kanyang papeles ang seven-foot center ng Denver Nuggets na ibibilang sa Smart Gilas II.
Isang 16-man national training pool ang kinilala na kamakalawa ni national head coach Chot Reyes. At kasama dito ang 6-foot-11 na si Douthit.
Si Puno ang mambabatas na nag-sponsor ng House Bill para hirangin ang 31-anyos na si Douthit bilang isang naturalized Filipino.
“It’s not yet filed but we’ve started working on it by talking to our peers. I’ve had a conversation with the Speaker (Sonny Belmonte) and I explained the rationale. He said: ‘I understand your intention, let me think about it then we talk again,’” sabi ni Puno.
Ang naturalization process para kay Douthit ay tumagal ng halos dalawang taon.
“At the time I filed the bill for Douthit, a total of 32 was filed. Only eight out of that have been approved,” litanya ni Puno sa kaso ni Douthit, naglalaro ngayon para sa Air21 Express sa 2012 PBA Commissioner’s Cup.
Nangako ang Antipolo lawmaker na pipilitin niyang maging isang naturalized player si McGee bago ang 2013 FIBA-Asia Championships na siyang magsisilbing regional qualifier para sa 2014 FIBA World Cup.
Nakasama si McGee sa NBA selection nina Kobe Bryant, Derrick Rose, Chris Paul at Kevin Durant sa kanilang two-day exhibition game laban sa Smart Gilas noong nakaraang taon.
Ang 24-anyos na sentro ay ang No. 18 overall pick ng Washington Wizards noong 2008 NBA Draft.