^

PSN Palaro

Ang tunay na champion

PRESS ROW - Abac Cordero -

Naganap ang 12th Gabriel “Flash” Elorde Boxing Awards nung Linggo ng gabi sa Dusit Hotel sa Makati. At sa pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama sa stage ang mga Pinoy boxing champions past, present and future.

Pinangunahan ni Manny Pacquiao ang mga taong pinarangalan ng mga myembro ng pamilya ni Elorde, isa sa pinakamahusay na boksingero di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Isa siyang tunay na kampeon.

Tinanggap ni Pacquiao ang “Man for Others” award. Sa kanyang speech, hinikayat ang mga kapwa niya boksingero na magpatuloy sa pagpupursigi na ma­ging kampeon.

“Ang sabi sa Bibliya, the greatest glory is not in never failing but how you rise up if you fail,” sabi niya. In short, sinabi niya na ang pagkatalo ay hindi sapat na dahilan para mawalan ka ng pag-asa sa buhay.

Sinamahan si Pacquiao sa stage nina Rolando Navarette, Pretty Boy Lucas, Donnie Nietes, Sonny Boy Jaro, Denver Cuello, AJ Banal, Milan Melindo, Marvin Sonsona, Boom Boom Bautista, Dennis Laurente at Johnriel Casimero.

Malakas ang palakpakan para kay Casimero na napalaban ng husto sa Argentina nung Feb. 3, di lamang sa kanyang opponent na si Luiz Lazarte kundi pati na din sa mga mababangis na fans ng nasabing bansa.

Kabilang din sa major awardees sina Nonito Donaire Jr., Brian Viloria at Ana Julaton na nagpadala na lang ng message of thanks dahil silang tatlo ay kasaluku­yang nasa United States.

Pero para sa akin, ang tunay na bida dito ay si Z Gorres, ang dating OPBF super-flyweight champion na halos bawian ng buhay sa kanyang laban kay Luis Mendez sa Las Vegas nung November 2009.

Nasungkit ni Gorres ang panalo kahit na siya ay tumumba sa huling minuto ng laban. Bago siya nakalabas ng ring, si Gorres ay nag-collapse at walang malay na isinugod sa ospital. Pamamaga sa kaliwang bahagi ng utak ang dahilan.

Halos bawian siya ng buhay. Pero dahil sa tibay ng loob at sa mga dasal ng lahat, dahan-dahan siyang bumangon hanggang siya ay makabalik sa Pilipinas ilang buwan matapos ang bout.

Mula noon ay naglagi na siya sa Cebu kasama ang kanyang nagmamahal na pamilya at bihira na siyang humarap sa publiko. Patuloy ang kanyang recovery

Nung Linggo, naroon si Gorres. Nang tawagin ang kanyang pangalan siya ay tumayo at lumakad patungo sa stage na halos akay lang ng kanyang kasama.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha. Itinaas niya ang kanyang kamay. Isang masigabong palakpakan ang bumati sa kanya. Napatingin na lang si Pacquiao kay Gorres.

Gaya ng sabi ni Pacquiao sa kanyang speech, ang pinaka-importante sa buhay ng isang tao ay kung paano ka babangon mula sa isang pagkatalo at matinding pagsubok.

Yan si Z Gorres, ang tunay na champion. Habang mabagal niyang inakyat ang stage nung Linggo sigurado nakangiti sa kanya si Flash Elorde mula sa itaas.

“That’s my boy!” wika siguro ni Flash.

ANA JULATON

BOOM BOOM BAUTISTA

BRIAN VILORIA

DENNIS LAURENTE

DENVER CUELLO

DONNIE NIETES

GORRES

KANYANG

PACQUIAO

Z GORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with