^

PSN Palaro

Road Warriors, Gems wagi

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Napanatili ng NLEX at Cebuana Lhuillier ang 1-2 posisyon sa PBA D-Lea­gue Foundation Cup nang manalo sa kanilang hiwalay na laro kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 20 puntos at 10 rebounds si Clifford Hodge upang pangunahan ang nagbabagang laro ng kumpletong Road Warriors tungo sa 86-53 dominasyon sa Jr. Powerade tu­ngo sa ikatlong sunod na panalo.

Sina Calvin Abueva at Ian Sangalang ay nagbalik matapos ang pagliban sa huling laro upang samahan ang San Sebastian sa isang invitational tourna­ment, nagtambal ang da­lawa sa 14 puntos para mas lumalim ang arsenal ni coach Boyet Fernandez.

 “Maganda ang depensa kaya kahit nagkumpiyansa sa first period ay nanalo kami ng malaki,” wika ni Fernandez.

Humugot ng double-dou­ble na numero ang Gems kina Vic Manuel (18 puntos at 10 rebounds) at Pari Llagas (13 puntos at 12 rebounds) para bigyan ang Gems ng 84-72 panalo sa Café France.

Naglaro na rin sa u­nang pagkakataon si Lester Alvarez at naghatid siya ng 10 puntos, 3 assists at 3 steals para makatulong sa paghablot ng tropa ni coach Luigi Trillo ng ikalawang dikit na tagumpay.

Winakasan naman ng RnW Pacific Pipes ang dalawang sunod na kabi­guan nang itakas ang 69-67 panalo sa Boracay Rum.

Naipasok ni Raymond Ilagan ang jumper may 1.7 segundo sa orasan upang makatikim na rin ng panalo si rookie coach Alfredo Ja­rencio at bumagsak ang Waves sa 0-2 karta.

ALFREDO JA

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

CEBUANA LHUILLIER

CLIFFORD HODGE

FOUNDATION CUP

IAN SANGALANG

JR. POWERADE

LESTER ALVAREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with