36-pts. ni Pierce gumiba sa Bobcats

CHARLOTTE, N.C. --Sa pag-upo ni Ray Allen dahil sa isang injury, wala nang scorer ang Boston Celtics na maaasahan kun­di si Paul Pierce.

Umiskor si Pierce ng season-high 36 points para tulungan ang Celtics sa 102-95 paggupo sa Charlotte Bobcats at makisalo sa Philadelphia 76ers sa liderato sa Atlantic Division.

Parehong may 27-22 win-loss record ang Celtics at ang 76ers patungo sa 17 pang regular-season games.

“I think I’ve been fee­ling that way for the past couple of weeks now as far as needing to be more aggressive when I have the opportunities within the flow of the offense,” ani Pierce.

Nagtala si Pierce ng 10-of-20 field bukod pa sa kanyang goals shooting at nagposte ng 15-of-18 clip sa freethrow line bukod pa sa kanyang 10 rebounds at 4 assists.

Humugot si Pierce ng 17 points sa first half para sa pag-atake ng Boston laban sa Charlotte.

Nagdagdag si Kevin Garnett ng 24 points para sa Celtics, habang may 18 points si Byron Mullens para sa Bobcats kasunod ang 16 ni Derrick Brown.

Show comments