Sharks bubuksan ang kampanya vs Dolphins sa BP Season 9
MANILA, Philippines - Balik-aksyon na ang Baseball Philippines ngayong linggo sa Rizal Memorial Baseball Field.
Sa Marso 31 opisyal na itataas ang telon ng Season 9 ng liga na katatampukan pa rin ng tagisan sa hanay ng anim na koponan.
Mangunguna rito ang three-peat champion Manila Sharks ng Harbour Centre habang ang iba pang kasali ay ang Cebu Dolphins, Batangas Bulls, Alabang Tigers, Taguig Patriots at Dumaguete Unibikers.
Unang laro sa Sabado ay Tigers kontra Bulls (8 am), Patriots laban sa Sharks (11 am) at Dolphins laban sa Unibikers (2pm).
Iinit pa ang tagisan sa Linggo dahil magkikita ang naglaban sa finals sa Season 8 na Sharks at Dolphins sa alas-8 ng umaga na susundan ng bakbakan ng Unibikers at Tigers (11am) at Bulls at Patriots (2pm)
Habang ang unang dalawang aksyon ay gagawin sa makasaysayang venue, ang mga susunod na laro sa eliminasyon hanggang Playoffs ay lalaruin sa Clark Field sa Pampanga.
- Latest
- Trending