^

PSN Palaro

PBA AKTV clinic sa QC dinagsa ng mga kabataan

- Ni RMP -

MANILA, Philippines -  Prayoridad ni Julian Coseteng, konsehal ng ikatlong distrito ng Quezon City, ang pag-unlad ng kabataan sa lungsod.

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Basketball Association (PBA) at AKTV, nagdaos ng basketball clinic para sa kabataan ang konsehal noong Marso 25 sa covered court ng Brgy. Socorro.

Tumayong coach sina Asi Taulava, Yusf Aljamal at Brian Faundo ng Meralco at Ogie Menor ng Air21 sa higit 700 mga kabataan mula sa Brgy. Silangan, E. Rodriguez, Camp Aguinaldo, at San Roque.

Ang PBA on AKTV commentator na si Chiqui Reyes ang naging host ng kaganapan na siyang grassroots program ng AKTV upang dalhin ang PBA sa mga barangay. Ang AKTV ang sports news portal ng TV5 kung saan ipinapalabas ang mga laro ng PBA sa 2011-2012 season.

Bago isagawa ng clinic, pinasinayaan ni Coseteng ang bagong pinturang covered court ng Old Balara sa Tandang Sora. Ang pagpipintura nito ay isa pa ring proyekto para sa kabataan ni Coseteng, isang aminadong tagahanga ng PBA at apo ng isa sa mga pundador ng PBA Mariwasa. Nang sumunod na araw, pinasina­yaan naman ni Coseteng ang covered court ng Camp General Emilio Aguinaldo High School na pinagawa niya.

Dumalo sa pagpapasinaya sina Mayor Herbert Bau­tista, Vice Mayor Joy Belmonte, Congressman Bolet Banal at Brgy. Capt. Gregory Tolentino na pinaghandaan naman ni Dr. Chynthia Vidal at mga guro ng paraalan.

ASI TAULAVA

BRGY

BRIAN FAUNDO

CAMP AGUINALDO

CAMP GENERAL EMILIO AGUINALDO HIGH SCHOOL

CHIQUI REYES

CONGRESSMAN BOLET BANAL

COSETENG

DR. CHYNTHIA VIDAL

GREGORY TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with