^

PSN Palaro

Kenyan runners dinomina ni Banayag

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Binalikat ni dating ma­rathon queen Jho-An Ba­nayag ang laban ng mga national athletes sa Ken­yan runners nang mangi­babaw sa women’s 10-k sa Tupperware Run for Water kahapon sa Aseania City sa Diosdado Macapagal Blvd, Parañaque City.

Hindi pinahintulutan ni Banayag na makaporma pa si Irene Kipchumba nang hindi manlamig ang malakas na takbo tungo sa pagsumite sa pinakama­bilis na tiyempo na 36 segundo at 21 minuto.

Nasa 50 segundo ang ag­wat ni Banayag kay Kipchumba na may 37:11 ha­bang si Aileen Tolentino ang pumangatlo sa 40:30.

Ang pambato sa kala­lakihan na si Julius Sermona ay hindi umabot kay Philip Ronoh nang ma­orasan ito ng 31:05 at kina­pos ng walong segundo sa Kenyan runner (30:57).

Ang pangatlong puwesto ay inangkin ng isa pang da­yuhang runner na si Samson Tuwei sa 32:29 bilis.

Kinapos din ang double silver medalist ng 26th SEA Games sa Indonesia Mervin Guarte sa 5-k division nang pumangalawa lamang ito kay Richard Chelimo sa 15:37 bilis laban sa 15:30 ng nagkampeon.

Isa pang Kenyan na si James Mi­bei sa 15:39.

Sina Tupperware ma­naging director Perry Mo­gar at marketing director Charmane Abad ay nag­bi­gay ng kanilang oras upang dumalo sa awarding ceremony.

Umabot sa 2,000 ang runners na tumakbo upang matuloy ang pagbibigay ng malinis na inuming tubig na aabot sa 2,000 litro sa mga naninirahan sa Payatas sa Quezon City gamit ang Operation Blessing.

vuukle comment

AILEEN TOLENTINO

ASEANIA CITY

BANAYAG

CHARMANE ABAD

DIOSDADO MACAPAGAL BLVD

INDONESIA MERVIN GUARTE

IRENE KIPCHUMBA

JAMES MI

JHO-AN BA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with