^

PSN Palaro

Alcantara pasok sa Davis Cup team

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ang dating pambato sa juniors at Davis Cup member na si Francis Casey Alcantara ang siyang papalit sa puwestong iiwan ni Jeson Patrombon sa Philippine Davis Cup team.

Si Alcantara na isang scholar sa Fresno Univer­sity sa California ay puma­yag na maglaro uli sa Pambansang koponan laban sa Pakistan sa 2nd round Asia-Oceania Zone Group II tie na itinakda mula Abril 6 hanggang 8 sa Philippine Columbian Association (PCA) indoor courts.

“I’m happy and excited to be part again of the Da­vis Cup,” pahayag ng 20-anyos na si Alcantara na ranked 58th sa singles at 48th sa doubles sa US NCAA Division I.

Si Patrombon na umani ng dalawang panalo sa 5-0 sweep ng Pilipinas sa Pacific Oceania noong Peb­rero sa Iriga City ay may iniindang right ankle injury at mangangailangan siya ng dalawa hanggang tatlong linggong pamamahiga.

 Huling naglaro si Alcantara sa Davis Cup ay noon 2009 at nanalo siya laban kay Michael Lai ng Hong Kong bago natalo kay Jalil Khan ng Pakistan.

Nakasama uli si Alcantara, ang kauna-unahang Pinoy netter na nanalo sa Grandslam nang maka­tambal si Hsieh Cheng-peng ng Chinese-Taipei at nagkampeon sa Australian Open Juniors doubles, sa koponan noong 2010 laban sa Japan at yumukod siya kay Soeda Go.

Darating si Alcantara mula US sa Abril 3, isang araw matapos ang pagdating nina Fil-Ams Treat Huey, Ruben Gonzales at Cecil Mamiit na siya uling tatayo bilang non-playing team captain.

vuukle comment

ABRIL

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

AUSTRALIAN OPEN JUNIORS

CECIL MAMIIT

DAVIS CUP

DIVISION I

FIL-AMS TREAT HUEY

FRANCIS CASEY ALCANTARA

FRESNO UNIVER

HONG KONG

HSIEH CHENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with