STARmen vs Nougat sa finals

MANILA, Philippines - Nilimitahan sina ex-pro Estong Ballesteros at Olan Omiping sa pinagsamang 20 puntos, tinalo ng Philippine Star ang Philippine National Police, 95-65, para angkinin ang ikalawang championship ticket sa 2012 Congressman Neptali “Boyet” Gonzales Cup sa RTU Gym sa Mandaluyong City nitong Huwebes.

Makakatapat ng Starmen sa finals ang naghihintay na Nougat Candy sa Marso 31.  

Umiskor si Ver Roque ng 21 points para bande­rahan ang STARmen kasunod ang 20 markers ni forward Mario Geocada.

Nagdagdag din sina Gio Coquilla at Cris Corbin ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa STARmen.

Sina Ballesteros at Omiping ay nagtatala ng tig-22 points per game average para sa PNP. 

STARMen 95--Roque 21, Geocada 20, Coquilla 12, Corbin 10, Rodriguez 7, Dimas 6, Ortega 6, Sangalang 6, Reducto 3, Reyes 2, Martines 2, Tabang 0.

PNP 65--Escallona 18, Ballesteros 13, Misolas 7, Omiping 7, Criste 5, Bautista 4, Decena 3, Bayabao 2.

Halftime: 47-30.

Show comments