^

PSN Palaro

Ubos ang Pinay sa Mitsubishi netfest; Mendoza kumakasa pa

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kasabay ng makulimlim na panahon na kinakitaan ng pagbuhos ng mala­kas na ulan ay ang masamang laro na naipakita ni Ma­rian Jade Capadocia pa­ra mamaalam na sa 23rd Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sinikap man na bigyan ng magandang laban ang third seed na si Barbora Kri­jcikova ng Czech Republic ay lumabas ang mas malayong antas ng laro ng dayuhan laban sa 16-an­yos na si Capadocia tungo sa 2-6, 2-6, kabiguan sa third round ng girls singles.

Halos limang oras na naantala ang laro dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan mula kahapon ng umaga at ang mahabang pahinga ay tila nakaapekto kay Capadocia na naiwanan agad sa 0-4 sa first set.

Nakuha ni Capadocia ang unang game sa se­cond set pero namayani si Krijcikova, ang 39th ranked player sa mundo, sa sumu­nod na anim sa pitong ga­me tungo sa straight sets panalo.

Dahil sa pangyayari, na­iwan kay Jurence Zosi­mo Mendoza ang laban ng host country sa boy’s division.

Hinarap ni Mendoza si 16th seed Siyu Liu ng China at angat siya sa 5-4 sa first set nang itinigil na ang aksyon dahil sa muling pagbuhos ng ulan.

Ang lahat ng laro na hindi natapos o naidaos ay ililipat ngayong umaga.

BARBORA KRI

CAPADOCIA

CZECH REPUBLIC

JADE CAPADOCIA

JURENCE ZOSI

MENDOZA

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JUNIOR TENNIS CHAMPIONSHIPS

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SHY

SIYU LIU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with