^

PSN Palaro

76ers inilampaso ang Bobcats

-

CHARLOTTE, N.C. --Tinapos ng Philadelphia 76ers ang kanilang tatlong sunod na kamalasan matapos igupo ang Charlotte Bobcats, 105-80, tampok ang 20 points at 6 assists ni Jrue Holiday.

Nanggaling si Holiday sa isang career-high 30 points sa kabiguan ng Sixers laban sa Chicago Bulls noong Linggo at nagtala ng 8-of-13 fieldgoal shooting kontra sa Bobcats.

Kumawala ang 76ers sa isang dikitang laro sa halftime matapos magposte ng 31 points sa kabuuan ng third quarter kasabay ng paglimita sa Bobcats sa 19 points.

Nagdagdag si Thaddeus Young ng 20 points para sa Philadelphia kasunod ang 19 ni Louis Williams, samantalang humugot si Elton Brand ng walo sa kanyang 16 markers sa third quarter.

Umiskor si Gerald Henderson ng 14 points para sa Bobcats, nabigong makuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo ngayong season para sa kanilang 7-37 win-loss record.

Sa Orlando, patuloy ang pananalasa ng bisitang Chi­cago sa kabila ng pagliban ni league MVP Derrick Rose at kanilang sinementuhan ang pagkapit ng Bulls sa itaas ng Eastern Conference sa bisa ng 85-59 tagumpay laban sa Magic.

Sa panalong ito hawak na ng Bulls ang 10-4 record na wala si Rose, sumablay ng apat na sunod na games sanhi ng groin injury. Umiskor si Carlos Boozer ng 24 puntos at 13 rebounds para sa Bulls.

vuukle comment

CARLOS BOOZER

CHARLOTTE BOBCATS

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

EASTERN CONFERENCE

ELTON BRAND

GERALD HENDERSON

JRUE HOLIDAY

LOUIS WILLIAMS

SA ORLANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with