^

PSN Palaro

Buwenamano kay Petecio

-

MANILA, Philippines - Nakitaan ng bilis at magagandang patama si Nesthy Petecio para ku­­nin ang 12-3 panalo la­ban kay Yuan Hu ng Chinese-Taipei sa pagsisimula noong Lunes ng 6th Asian Women’s Boxing Championships sa Ulaan Baatar, Mongolia.

Umalagwa sa 3-0 kala­mangan ang 19-anyos tubong Davao na si Petecio ma­tapos ang unang round at lumawig ito sa 7-1 at 10-2 matapos ang ikalawa at ikatlong rounds tungo sa magandang panimula ng Pambansang koponan na inilahok ng Amateur Bo­xing Association of the Philippines (ABAP).

“Masaya kami sa ipina­kita ni Nesthy dahil andoon ang kanyang focus sa laban,” wika ni ABAP executive director Ed Picson.

Ang panalo ay nagtulak kay Petecio na harapin ang mas mabigat na si Un Jong Choe ng North Korea sa second round.

Sunod na sumampa ng ring ay si Alice Kate Aparri na hinarap si Meng-Chieh Pin ng Chinese Taipei no­ong Lunes ng gabi.

Si Josie Gabuco na tulad ni Aparri ay 26th SEA Games gold medalist ng bansa ay sa Miyerkules pa lalaban kontra kay Yukie Luo ng China.

Nasa minus 15C sa uma­ga ang klima sa Mongolia pero hindi masyadong naaapektuhan ang panlaban ng bansa dahil sa mga makakapal na kasuotan na ipinamahagi ni ABAP president Ricky Vargas.

Sina Pat Gaspi, Mitchel Martinez at Violito Payla ang mga coaches ng kopo­nan habang si Karina Picson na kasapi ng Asian Women’s Commission ay kasama sa mga internatio­nal technical officials na nagpapatakbo sa torneo.

ALICE KATE APARRI

AMATEUR BO

ASIAN WOMEN

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOXING CHAMPIONSHIPS

CHINESE TAIPEI

ED PICSON

KARINA PICSON

MENG-CHIEH PIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with