^

PSN Palaro

Palami hihikayatin ang PFF para sa hosting ng 2014 AFC Challenge Cup

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Itutulak ni Philippine Azkals team manager Dan Palami sa Philippine Football Federation (PFF) ang kanyang panukala na kunin ng bansa ang hosting ng susunod na AFC Challenge Cup.

“I will make a recommen­dation to PFF president Ma­riano “Nonong” Araneta that we host the qualifiers for the tournament and the finals as well,” wika ni Palami.

Sa 2014 gagawin ang susunod na AFC Challenge Cup at naniniwala ang team manager na may sapat na kakayahan ang Pilipinas para itaguyod ang pres­tihiyo­song torneo na ito.

Napansin niya na ang gi­na­gamit na pitch sa Nepal ay tulad sa mga pinagla­laruang field ng Azkals sa Pilipinas.

Nararapat na sa bansa gawin ang Challenge Cup dahil sa magandang ipinakita ng Pambansang kopo­nan na nakagawa ng kasaysayan nang makapa­sok sa semiifinals sa taong ito.

Tinalo muna ng Azkals ang mga dating kampeon na India (2-0) at Tajikistan (2-1) sa Group elimination para makausad sa semis na kung saan minalas ang koponan na lumasap ng ma­sakit na 1-2 pagkatalo sa Turkmenistan.          

Angat ang Pilipinas 1-0 hanggang sa huling 10 minuto ng bakbakan pero napasukan sila ng da­lawang goals sa loob ng anim na minuto upang ma­maalam sa tagisan para sa kampeonato.

Babalik ang Azkals nga­yong alas-4:30 ng hapon sa Dasarath Rangasala Stadium sa Kathmandu, Nepal upang sukatin ang Palestine sa battle for third place.

 Yumukod ang Palestine sa nagdedepensang North Korea, 0-2, sa isang semifinal match.

Makakalaro na sina Ja­mes Younghusband at Angel Guirado na nasuspindi sa laban kontra sa Green Men dahil sa tinamong ikalawang yellow card sa laro.

ANGEL GUIRADO

AZKALS

CHALLENGE CUP

DAN PALAMI

DASARATH RANGASALA STADIUM

GREEN MEN

NORTH KOREA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with