^

PSN Palaro

LeBron, Wade nagtulong sa panalo ng Heat

-

PHILADELPHIA--Umis­­kor si LeBron James ng 29 points, habang nag-ambag si Dwyane Wade ng 12 markers at 10 rebounds para pangunahan ang 84-78 panalo ng Miami Heat kontra sa Philadelphia 76ers.

“That’s the luxury of ha-ving two guys can do that,” sabi ni Wade sa kanilang tambalan ni James.

Sinandalan ng Heat sina James at Wade matapos mapababa ng Sixers ang itinayo nilang 29-point lead sa third quarter.

Napaliit ng Philadelphia sa likod nina Lou Williams at Evan Turner ang natu-rang kalamangan ng Miami sa apat na puntos.

Isang pull-up jumper at dalawang free throws ang isinalpak ni James sa huling 90 seconds para ibalik ang Heat sa porma at wakasan ang kanilang four-game road losing skid.

Dinala naman ni Sixers part owner at actor Will Smith ang kanyang asa-wang si Jada Pinkett Smith at anak na si Jaden Smith sa Wells Fargo Center at naupo sa courtside para manood sa ikalawang pagkakataon ngayong season.

Sa Los Angeles, kumana si Kobe Bryant ng 28 puntos at naglista si Ramon Sessions ng pitong puntos at limang assist sa kanyang debut game nang talunin ng Lakers ang Minnesota, 97-92 para sa kanilang pang 19th dikit na panalo laban sa Timberwolves.

vuukle comment

DWYANE WADE

EVAN TURNER

JADA PINKETT

JADEN SMITH

KOBE BRYANT

LOU WILLIAMS

MIAMI HEAT

RAMON SESSIONS

SA LOS ANGELES

WELLS FARGO CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with