NCAA Season 88th sa AKTV na mapapanood
MANILA, Philippines - Mula sa UHL channel na Studio 23 ng ABS-CBN ay matutunghayan ngayong darating na 88th season ang mga aksyon ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa AKTV IBC-13.
Isang three-year contract na nagkakahalaga ng P33 milyon ang pinirmahan ng NCAA sa bagong television partner nitong TV-5 na siyang magsasa-ere ng mga laro sa AKTV IBC-13.
“We’ll be holding our games on Mondays, Thursdays and Saturdays and we’re planning to add a game or two on a Sunday or just before the PBA games,” wika kahapon ni NCAA Management Committee chair Fr. Vic Calvo, OP ng Season 88 host Letran College sa kanilang turnover ceremony sa Muralla campus sa Intramuros.
Ilang out-of-town games sa mga venues na pagmamay-ari ng kanilang mga miyembro ang nakatakdang gawin ng NCAA ngayong Season 88.
Pormal na tinanggap ni league president at Letran rector-president Fr. Tamerlane Lana ang Season 88 hosting mula kay Dr. Anthony Tamayo ng Season 87 host Perpetual Help sa isang simpleng seremonya sa St. Thomas’ Building ng Letran.
“The coming NCAA season promises to be an exciting one,” wika ni Lana.
- Latest
- Trending