^

PSN Palaro

16 Pinoy boxers maagang magpapakundisyon para sa asam na tiket sa London Olympics

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Upang magamayan ang malamig na klima sa Astana, Kazakhstan ay tu­tulak ang national men’s boxing team ng mas maaga patungo sa nasabing bansa na siyang tatayong punong abala sa Asian Olympic Qualifying tournament.

Ito na ang huling London Olympic qualifier na itinakda mula Abril 4 hanggang 13 pero ang Nationals ay darating sa Marso 24 para sa acclimatization dahil ang klima rito ay nasa 15 degress below zero.

Habang nasa Astana, sisikapin din ng kopo­nan na makipagsanay sa Kazakhs­tan’s boxing team bukod pa sa ibang delegasyon na maagang darating sa lugar.

Todo-todo ang pagsa­sanay na ginagawa ng men’s at women’s national team upang madagdagan ang boksingero ng bansa na lalahok sa London Ga­mes.

Si light flyweight Mark Anthony Barriga pa lamang ang naka­tiyak ng puwesto matapos makasama sa mga pinalad sa idinaos na 2011 World Amateur Bo­­xing Championships sa Baku, Ajerbaijan.

Nasa Thailand ngayon ang Pambansang koponan at nagsasagawa ng sparring sessions sa Thai bo­xers sa National Sports Training Center sa Muaklek na 150-kilometro north ng Bangkok.

“Sa ngayon ay maganda ang ipinakikita nina World Series of Boxing Char­ly Suarez, Asian Ga­mes gold medalist Rey Saludar at 2011 SEA Games gold medalist Dennis Galvan. Pero may pitong iba pang nagsasanay rito at hindi mo masasabi kung sino sa kanila ang puwede pang umangat sa ensayo,” wika ni ABAP executive director Ed Picson.

Sina Josie Gabuco, Nesthy Pe­tecio at Alice Kate Aparri ang na­ngungu­na sa women’s team na nag­hahanda naman para sa World Women’s Champion­ships na siyang qualifying event sa London sa Mayo sa Qinhuangdao, China.

vuukle comment

ALICE KATE APARRI

ASIAN GA

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING

ASTANA

DENNIS GALVAN

ED PICSON

LONDON GA

LONDON OLYMPIC

MARK ANTHONY BARRIGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with