^

PSN Palaro

Kasaysayan sa Azkals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa Hal­chowk Stadium ay ang pagdiriwang ng maliit na delegas­yon mula Pilipinas matapos angkinin ng Azkals ang 2-1 come-from-behind panalo sa Tajikistan sa pagtatapos kahapon ng 2012 AFC Challenge Cup group elimination.

 Si Angel Guirado na inaakusahan ng sexual harassment ang siyang nanguna sa malakas na laro sa second half upang pawiin ang goal ng Tajik booters sa second minute sa injury time sa first half.

Nalusutan ng 23-anyos na Fil-Spanish na si Guirado ang depensa ni Davron Ergashev bago binigyan ng ta­mang spin ang bola na lumampas sa goalie na si Alisher Tuychiev at defender Sokhib Suvonkulov tungo sa madaling goal ni Phil Younghusband sa 54th minute para sa 1-1 iskor.

Nagpalitan ng mga atake ang magkabilang koponan bago sinuwerte ang Azkals nang ang cross pass ni Younghusband ay naging goal para kay Guirado nang tumama ang bola sa kanyang balikat tungo sa bentahe.

Mahigpit na depensa na ang nakita pa sa Azkals sa sumunod na tagpo upang biguin ang mga atake ng Tajikistan, ang kampeon noong 2006, para angkinin ng Pilipinas ang kauna-unahang pag-usad sa semifinals sa dalawang paglalaro sa Challenge Cup.

Sa pangyayari, ang Pilipinas na number two team sa Group B sa 2-1 karta, ang makakaharap ng top Group A team na Turkmenistan sa semifinals na gagawin sa Biyernes sa ganap na alas-4:30 ng hapon.

Ang mananalo sa larong ito ang makakatuos ng magwawagi sa pagitan ng North Korea at Palestine sa isa pang semis match.

Ang North Korea na siyang nagdedepensang kampeon ang nanguna sa Group B gamit ang mahusay na 3-0 karta nang umukit ito ng 4-0 panalo laban sa India sa isa pang laro kahapon. 

vuukle comment

ALISHER TUYCHIEV

ANG NORTH KOREA

AZKALS

CHALLENGE CUP

DAVRON ERGASHEV

GROUP A

GROUP B

GUIRADO

NORTH KOREA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with