Finals ikakasa na ng Starmen, Gerry's Grill

MANILA, Philippines - Makakatagpo ng The Philippine STAR ang Phi­lippine National Police para sa unang finals berth ng 2012 Cong. Neptali “Boyet” Gonzales Cup sa RTU gym sa Mandaluyong.

Sasagupain ng Starmen ang PNP ngayong alas-6:30 ng gabi kasunod ang laban ng Gerry’s Grill at Nougat sa alas-8.

Sinayang ng Philstar ang itinayong seven-point lead sa huling 42 segundo sa regulation patungo sa kanilang 91-98 double overtime loss sa PNP noong Huwe­bes na nagtakda sa kanilang ‘sudden death’ game para sa unang finals ticket.

Bitbit ng Starmen ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa PNP sa Final Four matapos manguna sa elimination round.

Mula sa isang seven-point lead ng Starmen sa nalalabing 42 segundo, umiskor ng dalawang basket sina Dennis Escalona at Julius Criste, habang nag­salpak si dating PBA player Estong Ballesteros ng isang tres para dalhin ang PNP sa panalo.

Nagtumpok ng pi­nag­samang 53 points sina Lester Reyes, Mario Geocada at Ver Roque para sa Starmen.

Show comments